argie Reply #1, 4 years, 5 months ago
Sa instalasyon (parang ngayon ko lang narinig ire), kadalasan may mga 'free hosting' ang walang gaanong problema sa paglalagay ng sistema ng modx. Mayroon nga lang problema sa Leadhoster dahil sa 'file permission' na ayaw tanggapin pag nilalagay mo na (upload) ang mga 'files'. Sa Awardspace naman, ok naman ang instalasyon. Ang problema nga lang ay 'global register on'. Sa Byethost, walang kaproble-problema (sa ngayon). Maganda ang MODx dahil hindi masyadong maarte pagdating sa instalasyon. Di tulad ng ibang libreng CMS at ang kagandahan nito'y ang daling baguhin ang 'template.'